ABNKKSuLatNPLako?
Sunday, December 28, 2008Pinahiram ako ni Ferna ng libro ni Karen, yung kay Bob Ong- Stainless Longganisa at ABNKBBSNPLAko? Actually, matagal ko nang nabasa ‘tong dalawang libro na ‘to ni Bob Ong including yung Paboritong Libro ni Hudas. Natutuwa lang talaga ako sa mga libro niya. Sabi ko nga dati, gusto ko ang style niya sa pagsusulat. Kung paano siya magkwento. Kaya inulit ko ulit. Ito siguro ang isa sa mga libro na hindi ko pagsasawaang basahin.
Sabi niya sa Stainless Longganisa:
” Pag binasa ko ngayon ang una kong libro, natututo ulit ako. Kahit na kasi ako ang nagsulat noon, nakakalimutan ko pa rin ang mga bagay na naiisip ko lang kung hindi ako gaanong abala sa mundo. Tingin ko karaniwan lang yun sa mga tao. Kaya nga maraming natatakot sa pagsusulat dahil sa alam nilang habambuhay silang babalikan ng mga binitiwan nilang salita. Ako, tanggap ko na yon. Sa libro pa lang na ‘to hindi ko alam kung may mga kontradiksyon na sa mga sinabi ko. Pero yun na rin ang kagandahan ng pagsusulat, ikaw mismo natututo sa mga totoo mong saloobin. At ano ba’ng problema kung nag-iiba ang opinyon mo? Tao ka, tumatanda, natututo.”
O di ba? How true? Parang blog. Minsan binabalik-balikan natin yung mga naisulat na natin from the previous months or years. Kasi nga kahit ikaw nagsulat no’n, minsan nakakalimutan mo rin. Gawain ko yun eh. Yung balikan yung mga dati ko nang naisulat. Ano nga ba ang hype ng naramdaman ko dati? Sobrang puro sentimyento pala ang naisulat ko last year. Sometimes hindi ka pa makapaniwalang ikaw pala nagsulat no’n at nasa ganong estado ng emosyon ka during that time.Yes, we learn from our emotions and thoughts translated into writing. And totoo rin na minsan o kadalasan may mga contradictions sa mga sinasabi mo/natin, pero ganon talaga. Nag-iiba rin kasi ang emotions natin, ang mga pananaw natin. Pwedeng ngayon ito ang opinyon ko, malamang bukas iba na. Nung nag-uumpisa akong mag-blog inisip ko, bakit hindi ako consistent? Minsan napaka-positive ko, then kinabukasan negative naman sinusulat ko. Contradicting di ba? hindi lang sa akin, kundi sa sinumang pwedeng magbasa. Pero, ganun talaga. Roller coaster of emotions eh. Pwede talagang hindi maging consistent. Opinyon ko lang.
Anyway, try it. If you haven’t read it, I recommend BoB Ong’s books..good read, madami kang mapupulot, nakakatuwa and realistic







