the right one
Tuesday, June 3, 2008Michelle and Muskkey got married last Sunday. Suby and Chito are getting married too, this Sunday. Siguro kung ako ang ikakasal sobrang excitement ang mararamdaman ko ‘cause finally, I’ll be marrying the man I love. Every wedding that I attended, naiiyak ako. From my friend Pam’s wedding to Badet’s to Michelle’s. Para sa akin, it’s so touching, really. I usually gets teary eyed kapag naglalakad na yung bride sa aisle. At the end of that aisle is the man she chose to spend forever with.
Sa dinami-dami ng tao sa mundo, heto kayong dalawa ngayon, professing vows and taking love to a higher level. Ang sarap lang siguro ng feeling na alam mo na itong taong ‘to, gusto niyang ikaw ang makasama niya dahil ikaw ang pinili niya. Na iba ka sa lahat. Na ikaw ang BEST para sa kanya.
Siguro kahit ako ‘yon, yun din iisipin ko sa taong papakasalan ko. Kaya siya, kasi siya yon..hehe ang gulo! Kahit na mas may guapo sa kanya, mas matangkad, mas matalino, mas mayaman, etc. Siya pa rin ang pipiliin ko dahil nag-iisa lang siya. Unique siya sa iba.
Siyempre tayo naman usual thinking natin, we won’t settle for anything less. Parang damit, out of all the rest, ang pinili mo yung simpleng black dress. Or pwedeng pinili mo is yung expensive, designer dress. Or yung light colored, overflowing floral dress. O kaya naman yung virginal white one with intricate designs. So many to choose from, really. Pero you decided and chose to have the dress that will complement your assets more, yung mas bagay sa iyo. Yung best para sa iyo. Kaya nga, hanap ka lang hanap. Kahit masakit na paa mo sa kakahanap, okay lang, kayang tiyagain ’cause you know na makikita mo rin yung hinahanap mo in the end. Pag di mo siya nakita ngayon, bukas ulit..kung wala pa, bukas ulit. Hanap ka na naman. Ayaw mo naman masayang ang effort and money mo to just spend on something na ayaw mo. Yung parang ‘sige na, eto na lang, kahit hindi ito talaga gusto ko, eto na lang bibilhin ko.’
Hanggang sa eto na, at last, nakita mo na rin! Yung sakit ng paa mo or sakit ng bulsa mo, it almost won’t matter. What’s more important is heto na siya, by hook or by crook, kailangan maging akin siya. Eto talaga ang para sa akin.
Siya lang. Wala ng iba.
Previous Comments
am i so lost???? suby is married!!! sigh….i miss you all…=(
Posted by cheska at July 9, 2008, 12:00 amAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment







hahaha, natawa naman ako sa post mo = ). darating din siya cel, malay mo parang gift di ba… hindi mo ine-expect ; ).
Posted by S_by at June 5, 2008, 2:20 am