grandpa
Thursday, September 6, 2007Bigla kong naalala yung matandang lalaking lagi kong nakikita sa MRT station sa may North. He's really old. He's also using a cane and walks real slow. Twice I bought him Mister Donuts near the station. Usually, everytime nakikita ko siya binibigyan ko lang siya ng pera. I make it a point that everyday I have P20 para may maibigay ako sa kanya. Going back to the donuts that I bought for him, when I gave it to him he grabbed it. Naisip ko, 'nagbreakfast na kaya siya' kasi lagi talaga siyang maaga don.May mga times rin na hindi ko siya nabibigyan kasi kapag sobrang dami ng tao sa MRT, mahirap talaga. Minsan naiisip ko kapag hindi ko siya nabibigyan, meron kayang ibang nagbigay sa kanya para maka-get by man lang siya for that day. Kaya talagang pag may chance binibigyan ko siya. I even thought of writing 'Wish ko Lang' for him…hehe. I remember too, nung 6 to 3 pa ang shift ko, halos kasabay ko lang siyang dumarating sa MRT no'n, before 6am. Gagawin niya, pupuwesto siya sa tabi ng elevator sa ibaba ng MRT and don siya mamamalimos. I'm not sure if he stays there the whole day. At his age, standing there the whole day will tire him. He looks really pitiful.
Bigla ko lang siyang naalala today kasi I didn't go to the office. Hindi ko siya nabigyan. He missed my donuts hehe. He's beginning to be a part of my morning routine and I'm glad na kahit pa'no I'm able to give him something. Hay buhay…minsan tuloy nakakaguilty when you spend on things that you don't really need while others cannot even afford to buy food. Our 'barya' means a lot to people like him.






